Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOTr humirit ng P10B para sa libreng sakay

0 24

Humingi ng tulong ang Department of Transportation (DOTr) sa mga kongresista para mabigyan ng pondo ang kanilang ipinatutupad na Service Contracting Program (SCP) at libreng sakay hanggang sa susunod na taon.

Sa pagdinig ng Kamara kaugnay sa panukalang budget ng DOTr sa 2022, sinabi ni Transportation Undersecretary Giovanni Lopez na sa kanilang orihinal na mungkahi ay P10 bilyon ang hinihingi nilang pondo para sa programa ngunit tinapyas ito ng Department of Budget and Management.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dahil na rin dito, nakiusap si DOTr Secretary Arthur Tugade sa mga kongresista na tulungan silang mabigyan ng pondo ang programa dahil hindi lamang ang mga operator, driver at commuter ang makikinabang nito kundi ang ekonomiya sa kabuuan.

Bahagi ng programa ang libreng sakay para sa mga health at medical frontliner, mga essential worker, at authorized person outside of residence o APOR. (Eralyn Prado/Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.