Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOTr inawat sa jeepney phaseout habang pandemya

0 152

Nanawagan si Senador Grace Poe sa Department of Transportation (DOTr) na isantabi muna ang planong pag-phaseout sa mga lumang jeep sa katapusan ng buwan na ito.

SM food to go Banner Ad

Ayon kay Poe, chairperson ng Senate committee on public services, hindi angkop ang nasabing hakbang sa panahong ito lalo na’t maraming mga tsuper ang nawalan ng kabuhayan dahil sa COVID-19 pandemya.

“Alam ninyo po, `yong timing talaga, naiintindihan naman natin na gusto natin ng modernisasyon. Pero ang sabi ko naman kapag road worthy pa, payagan na muna, `yong hindi naman masama ang buga ng usok, `yong ligtas pa,” pahayag ni Poe sa panayam sa radyo. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.