Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOTr: Kalahati na tapos sa MRT-7

0 248

Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) na halos 59% na ang completion rate ng tinatayong Metro Rail Transit (MRT) Line 7.

Sa kanilang Facebook account, inihayag ng DOTr na Agosto, 2001 nang unang isumite ang MRT-7 bilang unsolicited proposal sa noon ay Department of Transportation and Communications (DOTC) at Agosto 2008 naman nang mangyari ang MRT-7 Concession Agreement Signing.

Gayunman, inabot pa ng 20 taon bago naumpisahan ang aktuwal na konstruksyon ng proyekto.

Sa sandaling matapos na ang MRT-7, inaasahan na ang biyahe mula North Avenue sa Quezon City hanggang sa San Jose Del Monte, Bulacan ay aabutin na lamang ng 35 minuto mula sa kasalukuyang dalawa hanggang tatlong oras. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.