Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOTr, LTO inatras child car seat law

0 129

Nagkasundo ang Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Office (LTO) na ipagpaliban ang pagpapatupad ng child car seat law.

Sa nasabing batas, inoobliga ang mga may sasakyan na maglaan ng upuan para sa mga bata at ipinagbabawal na sumakay ang mga ito sa unahan upang masiguro ang kanilang kaligtasan.

Paliwanag ng DOTr at LTO, ang pagpapaliban ng batas ay dahil nasa ilalim pa rin COVID-19 pandemya ang bansa.

Simula na sana nitong Martes, Pebrero 2, ang implementasyon ng Republic Act No. 11229 o Child Safety in Motor Vehicles Act kung saan obligadong paupuin sa designated car seat ang mga batang 12-anyos oababa habang nasa loob ng sasakyan.

Nilinaw naman ng LTO na walang katotohanan ang balita na inoobliga ang may malaking pamilya na kumuha ng mas malaking sasakyan. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.