Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOTr palalawakin service contracting

0 311

Isinusulong ngayon ng Department of Transportation (DOTr) ang posibleng pagpapalawak ng service contracting sa sektor ng pampublikong transportasyon upang matugunan ang pangangailangan ng mga commuter para sa ligtas na public utility vehicle (PUV) sa loob ng Metro Manila kapag natapos ang modified enhanced community quarantine (MECQ).

“Sa gitna ng matinding pangangailangan na magpatupad ng mas mahigpit na safety protocols sa pampublikong transportasyon, ang service contracting ang isa sa pinakaligtas na solusyon para epektibo at tuloy-tuloy ang serbisyo sa mga commuter,” sabi ni DOTr Assistant Secretary for Road Sector Mark Steven Pastor.

“Makakapagbigay pa ito ng dagdag na kita para sa ating mga drayber at operator para tulungan silang makabangon kapag natapos ang MECQ,” aniya pa.

SM food to go Banner Ad

Sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act, iminungkahi ng DOTr na isama ang service contracting ng pampublikong sasakyan sa alokasyon ng budget para sa sektor ng transportasyon.

“Patuloy naming pag-uusapan at pag-aaralan ang pagpapatupad ng service contracting. Hangad namin ang mabilis na pagpapatuloy at pagpapalawak nito, lalo na dahil sa magandang kinalabasan ng contract service arrangement sa EDSA,” ayon naman kay Lanf Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra III.

Mula Hunyo 1 hanggang Hulyo 29, ginamit ng DOTr ang service contracting para sa MRT-3 Bus Augmentation Program upang matugunan ang nabawasang kapasidad ng MRT-3 dulot ng pagsunod sa physical distancing.

Sa ilalim ng sistema ng service contracting, babayaran ng gobyerno ang mga operator at driver ng mga bus at yunit ng pampublikong transportasyon kada kilometro ng pagpapatakbo, at hindi batay sa bilang ng mga pasahero.

Leave A Reply

Your email address will not be published.