Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOTr paspasan na sa Metro Subway, LRT-2 extension

0 335

Ibinida ng Department of Transportation (DOTr) kay Pangulong Rodrigo Duterte na patuloy ang mga proyekto para sa ‘Build, Build, Build’ program sa kabila ng kinakaharap na pandemya.

Sa kanyang pag-uulat sa ‘Talk to the People’ ng Pangulo Huwebes ng gabi, kabilang sa mga proyektong binanggit ni DOTr Secretary Arthur Tugade ang Metro Subway at ang LRT-2 extension na magiging operational aniya bago matapos ang termino ng administrasyon.

“Sa riles, ‘yong subway ho may partial operability akong tutumbukin at itutuloy before the end of your term. Iyong LRT extension, mao-operate ko `yan at magiging operational `yan. Ito ho ‘yong rail operations ng Marikina at Antipolo. Maraming taon din na pinag-antay-antay ng ating kababayan ‘yan. Sir, ready for delivery, ready for operation this year,” ani Tugade.

Sinabi naman ni Pangulong Duterte na maraming Pilipino ang matutuwa sa mga proyektong tinatapos ng gobyerno.

“Iyan lang naman ang ipagmalaki natin eh. `Di ba sabi ko sa’yo noon, let’s do it faster because we have a very limited time. And then at least sabi ko, control the corruption in government, especially in your departments,” wika ng Pangulo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.