Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOTr sinugod ng mga PUV driver

0 274

Dinumog ng may 832 na mga Traditional Public Utility Jeepney drivers na nais makapagrehistro sa Service Contracting Program (SCP) ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Quezon City Memorial Circle, nitong Biyernes.

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, ang SCP ay inilunsad ng DOTr at LTFRB upang matulungan ang mga driver na magkaroon ng karagdagang kita ngayong nakakaranas ang bansa ng pandemya.

Sa ngayon, tanging mga driver ng mga PUV na pumapasada sa mga binuksang ruta ang pinapayagang magrehistro.

Para sa mga nais na maging service contracting, pinapayuhan ng LTFRB na dalhin lamang ang mga dokumento tulad ng Original at Photocopy ng Professional Driver’s License, Certification na pirmado ng operator na nagpapatunay bilang awtorisadong drayber ng idineklarang unit, dalawang (2) kopya ng photocopy ng valid ID ng Operator na may tatlong pirma nito at Photocopy ng OR/CR ng mimamanehong Jeep.

Mahigpit namang ipinatutupad ang No Faceshield, No Face Mask, No Entry Policy sa QC Circle at pagsunod sa Social Distancing. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.