Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOTr Usec ginigipit mga emission testing center

0 378

Ni Nancy Carvajal

Isang grupo ng mga private emission testing center (PETC) owner ang naghain ng reklamo kay Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr) dahil sa umano’y pag-abuso sa kapangyarihan at pagnanakaw sa kanilang kabuhayan.

Kabilang sa nirereklamo ang isang DOTr Undersectary subalit hindi ito pinangalanan ng grupo.

“An Undersecretary has even empowered himself as prosecutor and judge at the same time without any authority preventively suspending private emission testing centers (PETC) without show cause orders,” base sa liham ng mga miyembro ng PETC kay Pangulong Duterte.

Sa panayam sa grupo na pinamumunuan ng presidente nitong si Macario Evangelista Jr., tumanggi ang mga ito na pangalanan ang naturang opisyal ng DOTr na kanilang inakusahan na siyang dahilan umano kung bakit tinanggal sa Land Transportation Office (LTO) ang superbisyon sa mga PETC.

Subalit nakahanda umano silang tukuyin kung sino ito kay Pangulong Duterte.

“He unceremoniously transferred and arrogated unto itself the monitoring, supervision, certifications, approvals decisions and actions over PETC,” nakasaad pa sa kanilang liham.

SM food to go Banner Ad

Base umano sa bagong set up, sinuspinde ang mga PETC nang walang due process na tinatakda ng batas dahil lamang sa suspetsa ukol sa mga umanoý peke, binago o minanipulang image upload.

Mahigit 1,300 PETC sa buong bansa umano ang ngayo’y sadyang tinatanggal para mapalitan ng 138 site ng mga Private Vehicle Inspection Center.

Sabi ng grupo, `discriminatory’ ang konsepto ng bagong vehicle inspection at walang ibang layon kundi tanggalin ang mga old player.

Marami rin umanong guguguling oras at pera ang mga may-ari ng sasakyan sa bagong proseso na ito.

Dagdag pa ng grupo, nasa 25,000 pamilya at mga empleyado ang magugutom kapag pinagpatuloy ng DOTr na tanggalin sila sa bagong konsepto nito ng vehicle inspection.

“The new method revealed the preference of key officials of the Dotr for expensive European technology suppliers, grand emission inspection center owned by select affluent friends who can initially afford to post P10 million bond and be immediately issued provisional authorizations even without submitting a single legal document such as business permits, articles of incorporation, financial statements, BIR licenses, other than mere application forms,” lahad pa ng grupo.

Sinikap mahingan ng komento hinggil dito si DOTr Assistant Secretary Goddes Hope Libiran at maging ang tanggapan ni Secretary Arthur Tugade subalit nabigo ang pagtatangka kagabi. Bukas ang Abante Tonite para sa kanilang panig hinggil dito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.