Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOTr usec: MRT ligtas kahit may tinamaan ng virus

0 92

Bagamat marami ang nagpositibong mga kawani, tiniyak ng isang opisyal ng Department of Transportation (DOTr) na ligtas pa rin sumakay sa Metro Rail Transit (MRT) Line 3 dahil mahigpit na ipinatutupad ang disinfection sa mga tren nito gayundin ang mga health protocol.

Sa inilabas na pahayag ni DOTr Undersecretary Timothy John Batan, kahit pa nagpositibo sa COVID-19 ang ilang tauhan ng kanilang depot sa Quezon City, wala umanong dapat ipangamba ang mga pasahero dahil wala rin namang nagpositibong empleyado sa mga istasyon.

Matatandaang nitong nakaraang linggo ay nagpositibo sa COVID-19 ang higit 40 empleyado ng MRT depot. Kasama rito ang anim mula sa maintenance service provider at 36 office personnel. Isa ang iniulat na nasawi.

Nagpositibo rin subalit nakarekover na sina MRT Director for Operations Michael Capati at general manager Rodolfo Garcia. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.