Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dottie 10th, Yuka 39th sa 1st round

0 128

Sinorpresa ni Dottie Ardina ang marami nang balikatin ang laban ng tatlong pambato ng ‘Pinas sa 72nd Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour 2021 15th leg $4.5M 59th KPMG Women’s PGA Championship sa Atlanta Athletic Club sa Johns Creek, Georgia Huwebes (Biyernes sa Maynila).

Pumalo siya ng two-under par 70 upang humalo sa 13 magkakatabla sa ika-10 puwesto, tatlong palo lang iwan kay solo leader home bet Lizette Salas (67) na may one stroke edge kay Charley Hull ng England (68).

SM food to go Banner Ad

Nasa 24-way tie para sa 39th spot si US Women’s Open queen Yuka Saso na may one-over par 73, habang ang isa pang Pinay na si Bianca Isabel Pagdanganan kabilang sa 17 nasa 93rd spot sa 76.

May anim na taon ng kumakampanya sa mayamang US-based world major tour sa loob ng 53 torneo si Ardina, 27, ng Canlubang, Laguna, at ang best finish niya ay 15th tie sa 2019 Thornberry Creek LPGA Classic na may kalakip na $25,166 (P1.2M) cash prize. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.