Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dottie, Bianca swak sa Women’s PGA

0 211

Nakakuha ng ticket sina Philippine bets Dottie Ardina at Bianca Pagdanganan sa susunod na major event ng United States 71st Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour 2020 na $3.4M KPMG Women’s PGA Championship sa Aronimink Golf Club sa Newtown Square, Pennsylvania sa Oktubre 8-11.

Pumasok ang dalawa base sa kasalukyang ranggo sa LPGA money standings kung saan ika-90 ang veteran Canlubang pro na si Ardina sa $50,272 sa pitong sinabakang torneo ngayong taon, habang ang rookie na si Pagdanganan ay may $18,944 sa apat na kompetisyon na lahat ay napasahan niya ang cuts.

Ito ang pang-apat na world majors stint ni Ardina, 26, pagkaraan nang sa 44th British Open 2020 sa Scotland nitong Agosto na rito’y ika-64 na puwesto siya, 74th US Women’s Open 2019 kung saan lumagak siyang 62nd, at sa 65th US Women’s PGA Championship 2019 kung saan hindi siya umabot sa cutoff.

Unang major event pa lang ito sa murang karera ng 22-anyos na si Pagdanganan na ang best finish ay sa una niyang kompetion na LPGA Drive On Championship na rito’y nag-28th place siya. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.