Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dottie tabla sa 54, Clariss 57T

0 202

Humanay si Dottie Ardina sa tatlo sa 54T na may $715 (P34K) bawat isa, at si Clarissmon ‘Clariss’ Guce sa Amerikanang si Gigi Stoll sa 57T na may $669 (P32K) each sa wakas ng 16th Symetra Tour 2021 sixth leg, $175K 13th Symetra Classic sa River Run Country Club sa Davidson, North Carolina Linggo (Lunes sa Maynila).

May mga round na 70-75-55 pa-six-over par 222 ang Pinay shotmaker mula sa Canlubang, Laguna na si Ardina, samantalang may 72-75-76 (223) ang PH-born, US-based pero Pinoy flag pa rin ang dinadala na si Guce.

Namayagpag sa 54-hole, 3-day golfest si Casey Danielson ng United States sa pag-alpas sa playoffs kay Fatima Fernandez Cano ng Spain makaraang magtabla sa regulation sa 210 at kopoin ang $26,250 top purse. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.