Abante Tonite Interactive

‘Double step back’ ni Harden, kalebel ng fadeaway ni Jordan

386

‘Di naniniwala si Houston Rockets star James Harden na tra-veling ang kanyang pa-tented move na ‘double step back’.

Sa pagbisita ni Har-den sa bansa, naitanong sa kanya kung anong masasabi niya sa kanyang step back, na pinapalagan ng marami dahil tingi’y traveling ito.

Aniya, game-changer ang kanyang double step back, kapantay ng ilang signature moves ng mga NBA legend tulad ng Skyhook ni Kareem Abdul-Jabbar, magiging ang ‘di mapigilang fadeaway ni Michael Jordan.

“I look at the step-back in the level that I’ve taken it similar to like the skyhook or the MJ fadeaway. That step-back you just see everywhere, especially kids who are being more creating and trying and exploring like you’ve never really seen in AAU basketball,” saad ni Harden.

“But now it’s taken over,” pakli ng 2018 NBA MVP. “It’s something that I have enjoyed, so that allows me to get back in the gym and try to figure out more moves to keep impacting the game.”

May mensahe naman si Harden sa kanyang mga hater na todo ang pagpuna sa kanyang basketball move.

“And then you have the haters who talk about, ‘Is that a travel?’ ‘Is that too many steps?’ or ‘Why is he wearing this?’ ‘He doesn’t look right.’” lahad ng 29-anyos na scorer. “That’s when you know you’re doing something right when you got people talking about you.”

Sa nagdaang season, nag-average si Harden ng 36.1 points, top one sa scoring, sahog ang 7.5 assists at 6.6 rebounds. (RMP)