Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DPOS inutos i-video misa sa mga simbahan

0 309

Inamin ni Quezon City’s Department of Public Order and Safety (DPOS) chief Elmo San Diego na inatasan niya ang kaniyang mga tauhan na i-monitor ang misa sa mga simbahan para tiyakin na sumusunod sa ang mga ito sa protocol.

Kasunod ito ng pahayag ni Catholic priest at Fr. Robert Reyes, na kilala bilang ‘running priest’, na sinabing kahina-hinala ang aksyon ng mga uniformed men na nakunan ng footage ng closed-circuit television (CCTV) na naka-install sa labas ng San Isidro Labrador Parish sa Malakas Street in Brgy. Pinyahan.

Iginiit ng opisyal na hindi na nila kailangan pang humingi ng permiso dahil bukas ang simbahan para sa lahat at maaaring pumasok at magobserba dito. Dagdag niya, sa susunod na lingo ay sisimulan na ang panghuhuli sa mga lumalabag sa guidelines, kahit pa mga pari o imam.

Una dito, naalarma si Reyes dahil ito umano ang kauna-unahang pangyayari sa parish at labis siya nababahala para sa kaligtasan ng mga kasamang parishioner. Nabatid na sa CCTV footage, tatlong DPOS personnel na pawang naka-mask ang nakitang dumating sa simbahan. Isa sa DPOS officer ang pumasok sa loob at nagsimulang kumuha ng mga litrato at video habang nagbabasa ng homily si Reyes. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.