Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DPWH alsa-bautan sa Las Piñas P13M road project

0 170

Itinanggi ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na ghost project ang P13 million road repair na nakaanunsiyo sa isang tarpaulin sa loob ng Pilar Village dahil temporary field office diumano ito ng contractor.

“Please be informed that the identified building within Pilar Village located in Barangay Pilar, Las Pinas City is temporary field office of the contractor of the project,” sagot ng DPWH sa katanungan ng Abante na ipinadala noon pang Enero 11, 2021.

“As such, it is absolutely not a ghost project,” sabi ni DPWH LPMDEO district engineer Elpidio Y. Trinidad.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa kabila ng mariing pagtanggi ng DPWH, tinanggal nito ang tarpaulin sa kahabaan ng Camino Real Street na nagaanunsyo ng nasabing proyekto at hinakot na rin ang mga graba at buhangin na nakaimbak dito noon pang Oktubre. Tanggal na rin ang nagsisilbing baraks ng mga manggagawa sa lugar at bakanteng lote na muli ito.

Ang kontraktor nito ay ang Omnicon Builders na ang tanggapan ay nasa Aniban V sa Bacoor, Cavite. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.