Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DPWH binaha ng reklamo sa korapsyon

0 125

Ni Nancy Carvajal

Binabaha ng mga reklamo hinggil sa katiwalian sa gobyerno ang bagong tatag na mega anti-corruption task force na pinamumunuan ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra.

Ayon kay Guevarra, pinakamarami sa kanilang mga natatanggap na reklamo ay mayroong kinalaman sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na pinamumunuan ni Secretary Mark Villar, na kinasasangkutan ng mga umano’y anomalya sa mga construction project sa labas ng Metro Manila.

Matatandaang inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Guevarra para imbestigahan ang malawakang korapsyon sa gobyerno matapos bakbakan ang umano’y talamak na katiwalian sa DPWH.

“The Operations Center Secretariat is still in the process of consolidating the complaints they received and those received by DOJAC (Department of Justice Action Center) as there has been a sudden surge in complaints this week,” ayon kay Guevarra.

Sa mga nauna niyang pahayag, sinabi ni Guevarra na ang utos sa kanila ng Pangulo ay usigin ang mga kurakot at wakasan ang korapsyon sa gobyerno.

“We have a twin goal, one is to prosecute those whom we shall find, after due investigation, to have been involved in corrupt practices. Our output is not just recommendatory. We shall file cases directly with the Ombudsman. Our other objective is preventive in nature; install anti-corruption mechanisms in government agencies, educate the citizenry on the evils of corruption, promote values of integrity and civic-mindedness, and the like,” sabi ni Guevarra.

Tiniyak naman nito na lahat ng reklamong kanilang matatanggap ay sasalaing mabuti para masiguro na iyong mga lehitimo lamang ang iimbestigahan lalo pa’t papalapit na ang 2022 election kung saan maaari aniyang magsampa ng gawa-gawang reklamo ang mga magkakalabang kandidato.

Leave A Reply

Your email address will not be published.