Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DPWH bistado sa `kalansay’ project

0 199

Ibinunyag ni Senador Panfilo Lacson ang sangkatutak umanong “skeleton” infrastructure project ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na hinihiritan ng karagdagang pondo sa ilalim ng panukalang 2021 national budget.

Sa plenary debate sa Senado, sinabi ni Lacson na batay sa pagsasaliksik ng kanyang tanggapan, may 5,913 na ‘rehashed’ na mga proyekto na nauna nang kinuwesyon sa budget process.

Isa sa mga litrahong ipinakita nito ay ang multi-purpose na gusali sa Bacnotan, La Union, isang proyekto na nagkakahalaga ng P15.6 milyon mula 2017 hanggang 2020.

Humihingi pa umano ang DPWH ng panibagong P5 milyon sa ilalim ng 2021 budget para makumpleto ito.

Sabi ni Lacson, ang halaga ng konstruksyon ng naturang gusali ay dapat P25,000 hanggang P30,000 kada square meter lang.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Kung kukuwentahin natin na P25,000, dapat tapos na ito sa P10 million. But as I mentioned, naka-gastos na ng P15.6 million. Ayan pa `yong itsura. It’s a skeleton structure as we speak,” lahad ni Lacson.

Ipinakita pa ni Lacson ang isang ring muli-purpose na gusali sa Pangasinan na nilaanan ng P2 milyon noong 2019 subalit muling humingi ang DPWH ng dagdag na P3 milyon para makumpleto ang naturang proyekto.

Bukod diyan, ipinakita pa ni Lacson ang isang proyekto kung saan poste lang ang nakatayo kahit napondohan ito ng milyones sa mga nagdaang taon.

“Are we going to allow that this will be funded in the 2021 budget?” kuwestiyon ni Lacson.

“Nakita naman natin na skeleton `yong after spending or appropriating a few million pesos, ganoon ang itsura. Eh para na tayong nagpapaloko,” dagdag pa nito. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.