Abante Tonite Interactive

DPWH, DOTr pinuri ni Ramon S. Ang sa SLEX traffic solution

0 293

Kasabay ng pagbubukas ng bagong two-lane Alabang-Skyway ramp at at-grade section nito, pinuri ni San Miguel Corporation (SMC) president at chief operating officer Ramon S. Ang pagkilos ng gobyerno para matiyak na matatapos sa takdang panahon ang nasabing proyekto.

“Given the right timetable we had to implement major engineering and construction works, we could not have completed the new ramp and the initial phase of construction for the Skyway Extension, without the ‘bayanihan’ spirit demonstrated by the team of President Rodrigo Duterte, led by the Department of Public Works and Highways (DPWH) and the Department of Transportation (DOTr),” paha­yag ni Ang.

Ang ramp ay bahagi ng preliminary work para sa Skyway Extention project ng SMC na nagkakahalaga ng P10 bilyon para maibsan ang trapik sa South Luzon Expressway (SLEX) sa pamamagitan ng pagbubukas ng daan sa mga motorista sa Skyway mula Susana Heights hanggang sa Muntinlupa-Cavite Expressway (MCX).

Pinuri rin ni An gang pakikipagtulungan sa nasabing proyekto ng pamahalaang lokal ng Muntinlupa City sa pangunguna ni Mayor Jaime Fresnedi at ng konseho ng lungsod.