Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DPWH exec nagpaulan ng P3M sa b-day

0 220

Matapos na literal na maghagis ng pera sa mga bisita sa kanyang birthday party, isang Regional Director ng Department of Public Works and Highways(DPWH) ang kinasuhan ng graft sa Office the Ombudsman.

Si DPWH Region I Director Ronnel Tan ay kinasuhan ng grave misconduct, corrupt practices, conduct unbecoming a public officer at pagsangkot sa partisan political activities ni Lopez, Quezon Councilor Arkie Manuel Yulde. Si Tan ay asawa ni Quezon Rep Angelina Tan.

Tinukoy ni Yulde ang insidente sa bahay ni Tan kung saan magarbo itong nagselebra ng kanyang kaarawan at naghagis pa ng pera sa kanyang mga bisita.

“The respondent indulged in extravagant or ostentatious display of wealth. During a recent party celebrated by respondent and his wife in their residence in the 4th district of Quezon Province, two mayors… had witnessed the respondent brought with him a box filled with cash estimated to be about P2 to 3 million. Due to his excitement, respondent shouted to the guest, ‘pag-agawan ninyo itong pera,’ then ‘threw the cash in the air’ such that the guest will be fighting over picking up as many cash they can get. The mayors said some guests got P100,000, other got P200,000,” nakasaad sa reklamo ni Yulde.

Malinaw umano na ang ginawa ni Tan na pagpapakita ng kanyang yaman ay isang grave misconduct.

SM food to go Banner Ad

Mismong si Yulde ang naghain ng reklamo sa Ombudsman subalit hindi na ito dumalo sa ipinatawag na press conference dahil na rin sa isyu ng kanyang seguridad.

Sinabi ni Atty. Freddy Villamor, abogado ni Yulde na bukod sa yaman sa Quezon ay meron ding 600 square meter na bahay si Tan sa isang posh subdivision sa Quezon City na ang bawat square meter ay nagkakahalaga ng P75,000.

Bilang reaksyon sinabi ni Tan na malinaw na politicaly motivated ang isinampang kaso laban sa kanya at puntirya ang kanyang asawa, itinaggi din nyang may ganung insidente.

“Walang ganoon. Pag nagbi-birthday ako, naroon lang kami sa bahay namin sa Metro Manila. Wala pong ganoon. Napakalaki nun at hindi tama iyon. This is just because of local politics,” giit ni Tan.

Legal din umano ang kanilamg assets na kanyang nakuha nang magtrabaho bilang

subcontractor sa isang telecommunications company at bago pa man siya magtrabaho sa DPWH. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.