Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DPWH huwag na pahawakin ng school project – DepEd usec

0 78

Iminungkahi ng isang opisyal na ilipat sa Department of Education (DepEd) ang implementasyon ng School Building Program (SBP) mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) upang mapabilis ang pagpapatayo ng mga silid-aralan sa buong bansa.

“DepEd has a bigger stake and more concern over these projects, making it the better agency to work out the immediate implementation and completion of school buildings,” ayon kay DepEd Undersecretary for Administration Alain Del Pascua.

SM food to go Banner Ad

Paliwanag ni Del Pascua, matagumpay namang naipatupad ang mga local at foreign-assisted school building project sa pamamagitan ng principal-led scheme.

Kapag hinawakan umano ng eskuwelahan at ng pamayanan ang SBP ay lalong mapapalakas ang monitoring sa pagpapagawa nito para matiyak ang integridad at kalidad ng proyekto.

Leave A Reply

Your email address will not be published.