Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DPWH korapsyon posibleng ipahalukay ni Digong

0 156

Maaaring mag-utos din si Pangulong Rodrigo Duterte ng independent investigation hinggil sa mga alegasyon ng korapsyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Una nang binanatan ng Pangulo ang aniya’y “grabeng korapsyon” sa departamentong hawak ni Secretary Mark Villar, partikular sa mga public workers projects nito.

“Projects, ‘yong mga project engineers, iyan, iyan lahat, road right-of-way, grabe ang corruption diyan. Walang — walang construction na uumpisa dito na walang transaction. Mayroon ‘yan,” sabi ng Pangulo sa kanyang pag-uulat sa bayan Miyerkoles ng gabi.

“Posibleng gawin po iyan (imbestigasyon),” pahayag naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa ginanao na virtual press conference nito.

Subalit sa ngayon aniya, naka-focus si Pangulong Duterte sa inutos nitong imbestigasyon laban sa mga opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) dahil din sa mga alegasyon ng korapsyon sa ahensya.

“Pero hayaan na po muna natin iyan dahil sa ngayon po eh nakatutok pa sa PhilHealth ang Presidente,” ani Roque.(Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.