Abante Tonite Interactive

DPWH may road repair sa QC, matinding trapiko inaasahan

By
2,467

Makakaranas na naman ng matinding trapik ngayong weekend dahil magsasagawa ng road reblo­cking sa ilang kalsada sa Metro Manila na sinimulan kagabi at matatapos sa Lunes ( Hulyo 9).

Sa abiso kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), si­mula alas-11:00 kagabi (Biyernes) hanggang alas-singko nang umaga nang Lunes ay magsasagawa ng road reblocking ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Southbound ng EDSA mula Arayat St. hanggang Ignacio Diaz (4th lane from the sidewalk), EDSA harapan ng Francesca Tower hanggang Scout Borromeo (3rd lane from the center island).

Nagtahan Bridge Service Road mula J.P Laurel hanggang Ampil St. Manila.

Sa Northbound ay sa EDSA Vertis North hanggang Trinoma Mall (2nd lane from sidewalk), Batasan Road, Commonwealth Avenue hanggang Kalinisan St. (1st lane), A.H Lacson Ave., malapit sa Aragon St., Congressional Avenue bago magpanulukan ng Jupiter St. (1st lane) sa Quezon City.

Apektado rin ang Fairview Avenue mula Mindanao Avenue Extension hanggang Jordan Plains Subdivision at Jordan Plains Subdivision hanggang Mindanao Avenue Extension (3rd lane).

Samantala, ang Manila Water Co. Inc., ay nagsagawa naman ng pavement restoration (one lane closure) sa C-5 Road (Southbound) ­pagkatapos ng Lanuza Avenue intersection harapan ng Shell Gas Station ng alas-10:00 kagabi hanggang ­alas-kuwatro nang umaga nang Lunes (Hul­yo 9) at ­alas-10:00 nang gabi sa Hulyo 13 hanggang Hulyo 16, ­alas-kuwatro nang mada­ling-araw.

Payo ng MMDA sa mga motorista na iwasan ang naturang mga lugar para ­huwag maabaala sa trapik.