Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DPWH-Villar piniga sa P396B `pork’

0 305

Kinuwestiyon ni Senador Panfilo `Ping’Lacson ang lump sum appropriation na inilagay sa ilalim ng tanggapan ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar na nagkakahalaga ng P396 bilyon sa panukalang 2021 national budget.

“As we speak we compiled the total aggregate amount of P469B corresponding to reappropriated PAPs [Program and Projects] all under the DPWH, of which lump sum items lodged in the Central Office of DPWH amounting to P396B,” pahayag ni Lacson sa budget hearing sa Senado.

“`Yan they would easily fall under the SC [Supreme Court] in Belgica vs ES ruled as lump sum appropriations and therefore patently illegal,” dagdag pa nito.

“Tingnan niyo, ang description ‘di `yan itemized. And kung isasama natin ang P73.5 billion plus P396 billion, ang lahat nito is P496 billion,” ayon pa kay lacson, sabay pakita ng slide hinggil sa naturang halaga ng lump sum.

Ang P73.5 bilyon na tinutukoy ni lacson ay ang “reappropriations” na nauna nang kinuwestiyon niya sa pagdinig.

“We compiled the total aggregate amount of P469 billion corresponding to those reappropriated PAPs (programs and projects) all under the DPWH, of which lump sum items lodged in capital outlay of DPWH amounting to P396 billion,” sabi pa ni Lacson.

Ayon pa sa senador, ipapanukala niya na amiyendahan ang bersyon ng Senado ng budget bill para tanggalin ang mga item na nalagyan na ng alokasyon sa ilalim ng 2020 budget subalit pinalalagyan muli sa ilalim ng 2021 expenditure plan.

Hinimok din nito ang DPWH na magsumite sa Senate committee on finance ng revised list ng mga PAPs na wala nang lump sum o reappropriated items.

“Having said that, we will provide you with the details. Kayo na mag-initiate, baguhin, i-revise nyo ito in the form of errata or I would suggest submit sa chairman namin Sen Angara ang revised list ninyo para di tayo magkaproblema pagdating ng araw,” ani Lacson. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.