Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DPWH-Villar tumodo sa balwarte ni Cayetano

0 164

Ibinunyag ng isang mambabatas na P11 bilyong karagdagang pondo para sa public works sa ilalim ng 2021 national budget ng tanggapan ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar ang mapupunta sa congressional district ng mga Cayetano sa Taguig-Pateros.

Ayon kay Negros Oriental Rep. Arnulfo Teves, ngayong taon ay P10 bilyong halaga ng mga infrastructure project ang inilaan para sa distrito ng mga Cayetano.

Kinuwestyon ni Teves kung bakit malaking bahagi ng public works allocation para sa buong National Capital Region (NCR) ay mapupunta sa Taguig-Pateros samantalang maliit lamang ang populasyon nito.

“For 2021, Taguig-Pateros will be getting a total of P11,113,791,000 under the budget of the Department of Public Works and Highways (DPWH), both from the central office of NCR and district engineering office (DEO),” ani Teves.

Batay aniya ito sa 2021 National Expenditure Program (NEP) na nakasalang na sa plenaryo ng Kamara.

“This amount is too big considering that in terms of population, Taguig-Pateros is just 6 percent of Metro Manila,” ani Teves.

Binanggit pa nito na batay aniya sa 205 census, ang pinagsamang populasyon ng Taguig at Pateros ay 868,755 lamang habang ang total population ng Metro Manila ay nasa 12.9 milyon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dagdag pa ni Teves, mula sa kabuuang P25 bilyong public works budget ng DPWH-National Capital Region para sa 2021 ay P7.92 bilyon o 38% nito ang mapupunta sa Taguig-Pateros.

“On top of this, its two congressional districts will receive an additional P3.2 billion under the DEO budget,” sabi pa ng mambabatas.

Ang mas nakagugulat pa umano ay mas malaki ang pondong inilaan ng DPWH para sa Taguig-Pateros kumpara sa alokasyon nito para sa 15 iba pang rehiyon sa bansa.

“Mas malaki pa ang pondong nakalaan para sa Taguig-Pateros kumpara sa P7.26 billion para sa buong Region IV-A o CALABARZON na pinakamalaki sa lahat ng rehiyon maliban sa NCR,” ani Teves.

“Samantala, halos P1.39 billion lang ang nakalaan para sa buong Region XIII o Caraga. How is that fair and equitable?” dagdag pa nito.

Sabi pa ni Teves, bago naging Speaker ng Kamara si Cong. Alan Peter Cayetano ay tumanggap lamang ang Taguig-Pateros ng P2.4 bilyon at P3 bilyong pondo mula sa DPWH noong 2018 at 2019 kaya kitang-kita aniya ang napakalaking diperensiya ng pondo nito ngayon.

“Kitang-kita ang laki ng deperensya ng halaga ng natatanggap ng Taguig-Pateros ngayon, kumpara nung ‘di pa siya Speaker,” ani Teves. (SDC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.