Abante Tonite Interactive

DRA. BELO, WALA NANG KANSER

9,490
Vicki Belo
Vicki Belo

‘KALOKA si Manay Lolit Solis. Kinulit-kulit niya kami kahapon na huwag kalimutan ang pa-birthday lunch ng House of Obagi para kay Tito Ricky Lo, pero mukhang hindi niya na-remind ang may mismong birthday, huh!

Ang ending, wala roon si Tito Ricky dahil pabalik pa lang ito ng Maynila galing ng Samar.

Abante Hiring – IT dep

Anyway, dahil maaga kami sa pa-lunch na ‘yon, katabi kami ni Manay Lolit nang tawagan siya ni Dra. Vicki Belo.

Inusisa ni Manay Lolit si Dra. Belo tungkol sa tsika ni ­Tito Ricky na cancer-free na ang famous beauty surgeon.

“Yes!” ang isi­nagot ni Dra. Belo sa tanong ni Manay Lolit.

“Talaga?! Buti naman. Dasal kami nang dasal para gumaling ka kaagad. At least, magaling ka na.

“Talaga, magpapa-thanksgiving ­party ka?! Sige, sige, a-attend kami. Magdara­sal pa ako dahil gumaling ka na!” sabi pa ni Manay Lolit habang kausap si Dra. Belo.

Noon pa napaba­lita ang tungkol sa pagkakasakit ni Dra. Belo at maraming mga ­celebrity na malalapit sa kanya ang nalungkot.

Marami ang magre-rejoice ngayong cancer-free na ang love ni Dr. Hayden Kho Jr., huh!

Noon kapag ka-text namin si Dra. Belo, palagi naming sinasabi sa kanya na we’re always praying for her, pero hindi na namin binabanggit ang tungkol sa kanyang kanser dahil alam namin na hindi siya masyadong open na pag-usapan ‘yon.

Nakakatuwa talaga na cancer-free na si Dra. Belo!

Praise the Lord!

***

Birthday ngayon ni Regine Velasquez-Alcasid.

Ayon sa mister niyang si Ogie Alcasid na nakatsikahan namin kahapon, walang malaking party ang kanyang misis.

“Dito lang kami sa bahay,” sabi ni Ogie.

Malamang na may mga ­bibisita lang sa kanila na mga kamag-anak at malalapit na mga kaibigan, pero hindi mahilig magpa-party nang magarbo si Regine.

Anyway, kung wala mang magarbong selebrasyon si Regine sa kanilang bahay, sa Sarap Diva ngayong umaga at sa Full House Tonight mamayang gabi, bongga ang presentasyon nila.

May tell-all interview si Regine sa FHT at sina Anjo ­Yllana at Janno Gibbs ang mag-iinterbyu sa kanya.

Teka! Nadadalas ang guesting ni Janno sa Kapuso network. Magbabalik-Siyete na ba siya after mag-expire ang kanyang kontrata sa TV5?

Kuwento ni Ogie, wala man siya sa Full House Tonight, special guest ni Regine ang anak nilang si Nate.