Abante Tonite Interactive

Draft Combine naurong sa Dec. 5-6

0 161

Dahil sa sama ng panahon dala ng bagyong Tisoy, sa Dec. 5 at 6 na ang ­Gatorade Draft Combine ng PBA.

Dapat ay ngayong araw magsisimula ang two-day event sa Gatorade Hoops Center sa Mandaluyong.

Inaasahang sisipot ang lahat ng 71 ­aspirants para magpakitang-gilas sa coaches na naghahanap ng bagong talents.

Sa Day 1, sasabak ang hopefuls sa biometrics, isa-isang susukatin sa height, weight at wing span. Sa hapon, hahatiin sila sa walong teams para maglaro ng 5-on-5.

Buong araw ng Day 2 na magbubuno sa 5-on-5 ang players.
Sa Dec. 8, Linggo, ang 2019 PBA ­Rookie Draft sa Robinsons Place sa Ermita. (VE)