Abante Tonite Interactive

Draft expert pinitik ni Ali Peek

677

Kai dinepensahan

Hindi nagustuhan ni six-time Philippine Basketball Association champion Albert Henry ‘Ali’ Peek ang ‘panlalait’ ng ESPN draft expert na si Jonathan Givony ng Estados Unidos sa Pinoy NBA prospect na si Kai Zachary Sotto.

Nitong nakaraang linggo isa sa 64 na piling high school players mula sa 34 na bansa ang 7-foot-2 center sa 6th Basketball Without Boarders Global Training Camp 2020 sa Chicago.

Kaliwa’t kanan man ang papuri kay Kai, tila hindi naman bilib sa kanya ang draft expert mula sa Miami, Florida.

“His performance at the BWB camp was somewhat inconsistent,” puna ni Givony kay Kai.

“Sotto didn’t look ready for the level of physicality and intensity,” hirit pa niya.

Nagtengang kawali lang si Ali, 45, at sa sobrang pagkairita ay pinasabog na ang ngitngit kahapon sa reaksyon sa isyu sa social media.

“What reality check? This is his first time right? Plus hes only 17! Hes got plenty of time. The fact hes there says plenty,” depensa ni Peek kay Sotto.

Nanatiling tikom lang din ang Pinoy cage phenom, maging ang kanyang kampo sa puna ni Givony.

Ang 6-foot-4 Fil-Am center forward na si Peek ay isang PBA journeyman na naglaro sa pro league noong 1998-2014. Assistant coach na siya sa kasalukuyan ng College of Saint Benilde Blazers sa National Collegiate Athletic Association. (Aivan Episcope)