Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dragic, Butler pinulbos Bulls

0 179

Sinindihan ni Goran Dragic ang kalas ng Miami Heat sa fourth quarter para paamuin ang Chicago Bulls 101-90 Biyernes ng gabi.

Walong sunod na puntos ang tinuhog ni Dragic para pabukahin sa siyam ang manipis na one-point lead ng Miami.

Tumapos si Dragic ng 25 points, 7 rebounds at 5 assists, may 28 points at 8 dimes si Jimmy Butler para sa Eastern Conference defending champions.

Umayuda pa ng 15 points si Duncan Robinson sa Heat.

Kinapos ang game-high 30 points at 6 rebounds, 6 assists ni Zach LaVine sa Chicago. Nag-ambag ng 20 markers si Lauri Markkanen, sumuwag ng double-double na 13 points, 10 rebounds si Thaddeus Young.

SM food to go Banner Ad

Sa umpisa ng laro, ayaw pumasok ng outside shots ng magkabila kaya nagtiyagang mangolekta ng puntos sa paint.

Overall ay 37 of 80 mula sa field ang Heat, 12 for 35 sa 3-pointers at 15 of 20 sa free throws.

Mas inalat ang Bulls sa 34 of 91 shooting, 15 for 37 sa 3s at 7 of 7 sa stripe.

Bentahe ng Miami ang points in the paint 46-36. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.