Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dragic, Heat arya sa semis

0 119

Umiskor ng 23 off the bench si Goran Dragic para bitbitin ang Miami Heat sa 99-87 Game 4 win kontra Indiana Pacers nitong Lunes sa 74th NBA 2019-20 Eastern Conference playoffs

Biyahe na sa second round ang Heat na winalis sa apat na laro ang Pacers sa Walt Disney World Resort sa Orlando, Florida.

Nagdagdag si Tyler Herro ng 16 points, may 14 pts. at 19 rebounds si Bam Adebayo para sa Miami na mula 2016 ngayon lang ulit nakaalpas sa first round.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Hindi naawat ng 25 pts. ni Victor Oladipo at 22 pts., 14 rebs. ni Myle Turner ang exit ng Indiana.

Na-outscore ng reserves ng Heat ang counterparts sa Pacers 38-3.

Sa layup ni Dragic sa dulo ng third quarter umabante ng walo ang Miami, hindi na nakapanindak ang Indiana.

Ibinaba ng Pacers sa 91-85 may 3 minutes pa sa laro, pero tatlong offensive boards ang kinalawit ng Heat sa isang possession bago umiskor sa layup si Herro. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.