Abante Tonite Interactive

Drake agaw-eksena kina Leonard, Lowry, Toronto

408

Moment nina Kawhi Leonard, Kyle Lowry, Marc Gasol, Danny Green, Pascal Siakam, Fred VanVleet at ng buong Raptors organization Lunes nang hapon sa Toronto.

Si Leonard at ang kanyang crew ang sumikwat ng unang NBA title ng Toronto sapul nang sumali sa liga noong 1995.

Pero sa championship rally-celebration, ‘di siyempre nawala ang superfan ng Raptors na si Drake.

Agaw-eksena pa ang Canadian rapper sa parada, sumakay sa open double-decker bus ni Leonard – ang Larry O’Brien Trophy float.

Isa sa higit isang milyong fans ang nagbato ng beer-in-can kay Drake, sinalo ng songwriter, binuksan at tinungga.

Panama ni Stone Cold Steve Austin!
Sa ruta ng parada, parang kasali sa champion team si Drake – nagpa-interview, nagsisigaw, pumirma ng merchandise. Pero pagda-ting sa Nathan Phillips Square, hinayaan ng rapper na ma-focus ang spotlight sa players, team execs at coaches.

Tapos magsalita nina Prime Minister Justin Trudeau, Mayor John Tory at Raptors owner Masai Ujiri, balik sa eksena si Drake.

Ang selebrasyon, ginawang million-person hug-fest ni Drake – nakasuot ng sarili niyang OVO (October’s Very Own) ‘best in the world’ jacket, may owl logo, Canadian flag, trophy at 2019, nakabaliktad ang kanyang ‘championship’ ballcap. (VE)