Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Drayber natulog, hindi na nagising

0 83

Wala nang buhay nang matagpuan sa kanyang tulugan ang isang company driver na mahimbing na natutulog sa Malabon City kahapon.

Kinilala ang biktima na si Roy Marco, 54-anyos, stay-in driver sa Governor Pascual, Brgy. Potrero ng lungsod.

Bandang alas-3:00 ng madaling-araw nang madiskubre ng kanyang kasamahan na si Teofilo Casipong, 56, si Marco.

Kuwento ni Casipong, ginising niya ang kasa­mahan dahil lagi raw itong nagpapagising sa kanya tuwing madaling-araw para sa pagpasok sa trabaho.

Subalit kahit anong yugyog daw niya kay Marco ay hindi na ito nagising hanggang sa maku­pirma niya na wala na itong buhay.

Sabi ni Casipong, nagkuwentuhan pa raw sila ng alas-11:00 ng gabi bago sila matulog at nakita pa niya ang biktima na nahiga na sa folding bed.

May posibilidad na inatake sa puso si Marco ha­bang mahimbing na natutulog dahil wala naman umanong palatandaan na sinadya ang pagpatay rito. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.