Abante Tonite Interactive

Draymond alaskado kay Klay

340

May sundot na naman si Klay Thompson sa kanyang teammate na si Draymond Green.

Sa Instagram post ng bagong dating sa Golden State na si D’Angelo Russell, ‘di napigil ni Thompson na mag-comment.

Nag-post si Russell ng larawan nilang apat na core – Thompson, Russell, Green at Steph Curry.

Binaterya ni Thompson ang shooting touch ni Green sa comments section: “Whole lotta splash … and Dray.”

Splash Brothers sina Curry at Thompson, maya’t maya ang bitaw sa labas ng arc. ‘Di rin nahihiyang tumira mula long distance si Russell.

Pero si Green, career 32% shooter sa labas ng arc. Napakadalang niyang tumira ng tres, ‘di kasing-dalas nina Thompson, Curry at Russell na palabigasan ang 3-pointers.

Mas kilala si Green sa defensive end, nagsisimula sa kanya ang depensa, kadalasang tinotoka ni coach Steve Kerr para pigilin ang best player ng kalaban.

Siyempre, nang-aalaska lang si Thompson. Habang nagpapagaling si Thompson mula ACL injury, sina Curry, Green at Russell muna ang magtitimon sa Warriors. (VE)