Abante Tonite Interactive

Draymond Green buskador pa rin

By
0 247

Mukhang naka-move on na si Draymond Green sa pakikipagsagutan sa kanyang Golden State teammate na si Kevin Durant.

Balik na ang pang-aalaska ni Green, hindi pinalagpas ang bagong bihis na locker rooms ng Cleveland Cavaliers sa Quicken Loans Arena.

Sa unang balik ng Warriors sa Q sapul nang ikahon ang pangatlo nilang NBA title sa nakalipas na apat na taon, binaterya ni Green ang visitors locker room.

Pagkatapos tumalon ni LeBron James sa Los Angeles Lakers noong July, ni-renovate ang locker rooms sa home arena ng Cavaliers.

Dahil nabago ang dugout, nawala na raw ang amoy ng champagne kasunod ng selebrasyon ng Golden State noong June.

Sa kanyang Instagram stories, kinunan ni Green ng video ang locker room.

“Man these people changed their locker room up in Cleveland,” sabi ni Green. They must couldn’t have gotten that champagne smell out huh 30?”

pinatutungkulan niya si­yempre sa ‘30’ ang teammate din si Stephen Curry.

Hindi na raw niya maamoy ang champagne na pinabaha nila.

Sa mga naglabasang report noon, gumastos daw ang Warriors ng $400,000 sa halaga ng champagne na ibinuhos sa postgame locker room celebration.