Abante Tonite Interactive

Dream Catcher

247

Ebak sa panaginip

Dear Dreamcatcher,

Nanaginip po akong dumudumi at kahit anong flush ko ay ‘di raw po lumulubog kaya diring-diri ako. At the same night, nanaginip ulit ako na ibinabaon naman sa lupa ang dumi ng aking apo. Ano po ba ang implikasyon ng panagi­nip ko sa aking buhay?

Ninz

Ninz,

Ang tae, ebak o poop sa Ingles ay kabilang sa mga common dreams. Dahil ito’y pinandidirihan, ikinukonek naman ito sa bahagi ng ating pagkataon na sa ating pala­gay ay marumi o nakakadiri o nakakarimarim. Maaaring ito’y may kinalaman sa isang ginawa mo na mismong ikaw ay hindi mo maatim o hindi mo matanggap at ito’y pinagsisisihan mo.

Sa pagkakataong napanaginipan mo ang tungkol sa pagdumi, nagkaroon ka pa ng ikalawang panaginip at ito nga ay tungkol naman sa pagdumi ng iyong apo.

Mas matutukoy mo kung ano ang koneksyon ng iyong panaginip sa aktuwal mong buhay kung iisipin mo kung ano ang ginawa mo na hindi mo nagustuhan.

Related Posts

Balikan sa iyong isip kung ano ang ginawa mo sa araw na napanaginipan mo ang ebak. Kung hindi sa araw na iyon mismo ay sa mga nagdaang araw pa. Dito mo matutukoy ang koneksyon ng iyong panaginip sa buhay mo.

Puwede rin itong ikonek sa pagtatanggal ng mga toxic na tao o sitwasyon sa buhay mo. Halimbawang may bisyo kang gustong mawala na gusto mo nang baguhin. Puwede rin itong maikonek kung ikaw ay nasa isang relasyon kung saan hindi ka na maligaya at gusto mo nang kumawala.

At puwede rin naman itong maikonek kung may nagawa kang hindi maganda tulad ng pagtataksil sa isang karelasyon.

Kung wala namang ganitong sitwasyon o pangyayari sa buhay mo, ang iyong panagi­nip ay puwede namang mensahe ng iyong subconscious na meron kang mga emosyunal na bagaheng dapat nang itapon sa iyong buhay, mga alalahaning nagpapabigat lamang sa iyo kaya kailangan nang ibaon katulad ng napanaginip mong ibinabaon ang dumi ng iyong apo.

Sa kabuuan, kung ikokonek mo sa iyong buhay ang iyong panaginip, posibleng ito’y wakeup call na meron kang mga dapat baguhin. Ibaon sa limot ang mga hindi maganda nang tuluyan nang makapag-move on.

Dream Catcher

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.