Abante Tonite Interactive

Dream Catcher

326

Dream love

Dear Dream Catcher:

Ano po ba ang kahulugan ng aking panaginip? Sobrang gwapo ng lalaking a­king napanaginipan at may relasyon daw kami. Sob­rang ganda at tamis daw ng aming pagtitinginan. At sobrang kilig at pagmamahal ang aking naramdaman. Dapat ba akong mabahala sa panaginip na ito?

Miss M.

Dear Miss M:

Ang panaginip tungkol sa isang taong hindi natin kilala ay laging nagdudulot ng misteryo. Napapaisip tuloy tayo kung ito ba’y pahiwatig na sa ‘other life’ natin bilang ibang tao ay nakilala at nakasama nga natin ang taong ito.

Pero ayon sa mga pag-aaral, ang taong napana­ginipan ay maaaring totoong nakita na natin sa aktuwal na buhay pero sa pagkakataong nakita mo siya ay hindi lamang rumehistro sa isip mo pero kumbaga sa came­ra, nakuhanan ng camera mo ang hitsura ng taong ito. Kaya naman sa panaginip ay nagagamit natin ang mga taong ito bilang representasyon.

Related Posts

Ang iyong panaginip na may ideal at halos perpek­tong relasyon kayo ng taong ito ay maaaring mensahe ng iyong subconscious. Ang relasyong iyong napana­ginipan ay posibleng siyang hinahanap-hanap ng iyong puso. Kung meron kang karelasyon, asawa o boyfriend sa kasalukuyan, puwedeng nanaginip ka ng ganito kung deep inside you ay may hinahanap ka pa sa iyong love life.

Kung ang iyong love life sa ngayon ay masyadong kulang, masyadong malabnaw at marami ka pang hinahanap sa iyong relasyon, doon mo maikokonek ang iyong panaginip.

Sa makalumang paniniwala, ang panaginip naman tungkol sa isang lalaking hindi mo kakilala ay itinutu­ring na good omen. Pinaniniwalaan ding maghahatid ito ng magandang pangyayari sa darating na panahon.

Kung ikaw ay meron nang karelasyon, hindi rin makakatulong na ikumpara mo ang iyong relasyon sa iyong napanaginipan.

Dream Catcher

***

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating pana­ginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcat­cher@gmail.com.