Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Dream Gilas 5’ ni Sotto

0 225

Marami ngayon ang nag-aabang sa pagsalang ni NBA prospect Kai Sotto sa 2021 Fiba Asia Cup qualifiers third window sa Doha, Qatar sa February 18-22.

Sa panayam Martes sa 18-year-old, 7-foot-3 Pinoy cage phenom ni Gretchen Ho, nilahad niya ang kanyang pangarap na starting five para sa Gilas Pilipinas.

Tugon ni Kai, sina AJ Edu, Dave Ildefonso, Thirdy Ravena at Kobe Paras ang mga gusto niyang makasama sa kanyang ‘Dream Gilas 5’ sa hinaharap.

Naging kakampi na ni Sotto sina Edu at Ildefonso sa Batang Gilas, kung saan nakapasok ang koponan sa FIBA U19 World Cup.

Sina Ravena at Paras naman ay kapwa top caliber amateur player na parehong nakapaglaro na sa ibang bansa.

Nasa bansa ngayon si Sotto para sa Asia Cup qualifiers, kung saan haharapin nng PH quintet ang Korea at Indonesia.(Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.