Abante Tonite Interactive

Drew panalo ang team sa travel show

0 288

Nananatiling Kapuso ang award-winning TV personality at host ni si Drew Arellano matapos niyang mag-renew ng contract sa GMA Network noong Martes.

Ibinahagi ni Drew na hindi niya nararamdaman na nagtatrabaho siya sa Kapuso Network. “You know what they say. If you love your job, it doesn’t seem like job. I get to travel with the entire Biyahe ni Drew crew or make kids learn through through AHA,” sabi niya.

Para kay Drew, hindi magiging matagumpay ang dalawang award-winning shows niya kung wala ang kanyang GMA Public Affairs family lalo na ang “Biyahe ni Drew” at “AHA!” teams na buong-puwersa ang pagsuportang ipinakita sa Kapuso host sa kanyang contract renewal at media interview.

“I think anyone can produce a travel show but not everyone can have my team. Our chemistry is pretty solid that’s why we are very efficient with our work. It’s a fine group of people that you will be happy with for 14 years and will probably be happy for another 14 years,” ani Drew.

Naikuwento rin ni Drew na sa GMA-7 niya nakilala ang kanyang asawang si Iya Villania-Arellano. Matatandaang nagkasama sila sa youth-oriented show na “Click”. Makalipas ng 14 na taon, hindi lang loyal Kapuso si Drew, mga magulang na rin sila ni Iya kay 3-year-old Primo at 1-year-old Leon. Bago pa man daw siya lumagay sa tahimik, nais na talaga ni Drew na maging isang mabuting ama. Kaya naman upang mas mabigyan ng oras ang kanyang pamilya, tatlong beses lang siya sa isang linggo kung magtrabaho at mas pinipiling makasama ang kanyang asawa at anak kaysa lumabas kasama ng mga kaibigan.

Unang napanood si Drew sa GMA Network bilang isa sa cast ng youth-oriented show na “Click”. Nakasama rin siya sa longest running morning show host na “Unang Hirit”. Noong 2005 ay naging host show siya sa travel show na “Balikbayan” ng QTV na naging “Weekend Getaway” sa GMA News TV.

Taong 2010 naman nang maging bahagi siya ng award-winning info-tainment show ng GMA Public Affairs na “AHA!”

“For AHA, it’s not just about learning. It’s about having fun while learning and I think that is the most effective tool so that your kids will learn. Our goal is to be an edu-tainment type—educational at the same time, entertaining. That’s what we’ve been doing for the past 10 years,” aniya.

Ang “AHA!” ay “happy place ng mga batang smart” kung saan maraming matututunan ang mga kabataan habang sila ay nag-e-enjoy. May special animation segments ito katulad ng #KuwentongAHAmazing kung saan nagkukuwento ang piling Kapusong personalities katulad nina Jessica Soho, Bianca Umali, at Ken Chan.

Napapanood din si Drew sa nililibot ang iba’t ibang lugar sa Pilipinas at ibang bansa sa “Biyahe ni Drew” na nagsimulang umere sa GMA News TV noong 2013.

“I feel that we, the Biyahe ni Drew crew, are in a very lucky position. We bring our cameras and get to feature super isolated places and share it to our viewers,” ani Drew.

Nakarating na rin ang “Biyahe ni Drew” sa Singapore, South Korea, Taiwan, Japan, Brunei, Malaysia at Hong Kong. Pumunta na rin ito sa Kenya, Zimbabwe, Zambia, Israel, at Jordan. Kinakampanya din nito ang Biya-Hero at Sustaina-Goals advocacies.

Bukod pa sa awards para sa parehong “AHA!” at “Biyahe ni Drew”, siya ay isang Anak TV Makabata Awardee at kinikilala bilang Best Travel Show host ng iba’t ibang award-giving bodies tulad ng 2019 YAEHADEMIC Awards, 1st Philippine Tourism Awards, PMPC Star Awards for TV, Alta Media Icon Awards, UPLB’s Gandingan Awards at iba pa. (Roldan Castro)