Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dribolero hiwalay na sa esmi

0 170

Walang kamatayan ang mga tsismis. Sabi nga, habang nagdarahop ang isang bansa ay mas tumataas ang pagkalulong ng sambayanan sa tsismis, ‘yun kasi ang nagiging pangligaw sa pagkabagot at kahirapan.

Nangunguna ang tsismis sa mundo ng showbiz, sumunod ay balwarte ng politika, sumisingit din sa dami ng tsismis sa kampo ng palakasan.

Walang ligtas ang tatlong mundong ito sa mga tsismis. May mga blind items pa nga na ginagawang pulutan ng ating mga kababayan sa kanilang pagpipista sa panghuhula.

Pinakamurang libangan ang tsismis. Nag-uugat ‘yun sa tsismisan ng magkakapitabahay sa mga baitang ng hagdan habang nagkukutuhan. Lumilipad-bumibiyahe ang tsismis na kalaunan ay nagiging dahilan ng ng mga away sa barangay.

Kuwento ng aming source, “Aba, hindi magpapahuli ang mundo ng sports sa tsismisan! Kalat na kalat na ngayon ang tsismis tungkol sa paghihiwalay ng isang sports personality at ng misis niya.

“Komento ng mga nakakaalam ng kuwento, e, purdoy na raw kasi ang girl, baon sa pagkakautang, kaya tinabangan na ang sportsman sa misis niya!” unang istorya ng aming impormante.

Ibig bang sabihi’y ang pera lang ng girl ang minahal ng kilalang player? Totoo ba ang mga tsismis nu’n na malakas ang karisma ng kadatungan sa dribolerong ito?

Kuwento uli ng aming source, “Di ba, naging boy toy siya nu’n ng isang sikat na gay personality, ayaw lang niyang aminin? Hanggang eye-to-eye (tingin-tingin lang) lang daw naman nu’n ang becki sa kanya! Walang ganap!

“Pero teka lang naman muna, bakit nga ba kasi napurdoy ang wifey niya, bakit nabaon sa utang ang girl na dati’y namumutok ang bulsa?

“Walang ibang dapat sisihin kundi ang sportsman lang! Magpakalulong ba naman siya sa sugal, ‘yan ang napala niya! Hindi siya maawat-awat sa bisyo niya, tihaya ang kabuhayan nila!

“Ayaw niyang lumubay sa pagsusugal, apektado nga pati ang paglalaro niya, kaya naubos nang naubos ang datung ng girl na galing sa buena familia!

“Haaay, sayang na relasyon. Paano na ang kuwentong and they lived happily ever after? Sayang!” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Pacquiao natakot: Jinkee tiis-ganda

Nakinig-natakot si Senador Manny Pacquiao sa komento ng mga political analyst sa pagtakbo niya sa panguluhan. Bukod sa pangmemenos sa kanyang kapasidad ay nakakaladkad din sa posible niyang pagkatalo ang misis niyang si Jinkee na paboritong target ng ating mga kababayan.

Ipinagtanggol ni Pacman ang kanyang misis sa pagsusuot ng mga branded stuff, hindi raw naman kamahalan ang mga OOTD ng kanyang misis, mukha lang mahal.

Pero kapansin-pansin na ilang araw nang simple lang ang gayak ng kanyang misis na mas pinatunayan pa nito nang maghain siya ng COC.

Wala na ang kanyang nakasanayang pagyayabang ng kanyang misis tungkol sa mga branded na kagamitan nito. Napakasimple ni Jinkee, walang suot na alahas na milyon ang halaga, wala ring tatak na imported ang kanyang OOTD.

Komento ng isang source, “Siguradong kinausap ni Pacman at ng mga campaign strategist nila si Jinkee. Kailangan niyang bumaklas sa pagsusuot ng mga branded, puwede niya namang isuot ‘yun kahit patung-patong pa kapag nasa bahay lang siya, basta huwag na lang niyang ipino-post dahil insensitive ang dating niya.

“Kailangang simple lang silang mag-anak, matindi ang hinaharap na laban ng kanilang padre de pamilya, tiis-ganda lang muna si Jinkee!” madiing komento ng aming kausap.

Ang buhay ay isang kompromiso. Kung ano ang makagaganda, kahit pa laban ‘yun sa ating nakasanayan na, ay kailangang gawin.

Leave A Reply

Your email address will not be published.