Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Drilon binakunahan ng AstraZeneca

0 261

Nagpaturok na rin si Senador Franklin Drilon laban sa COVID-19.

Sa isang panayam nitong Sabado, inamin ng senador na tinurukan na siya ng AstraZeneca bakuna sa San Juan City noon pang Abril 10.

“Ako po ay pumila sa San Juan, ako po ay senior citizen, I registered online because of my age, my comorbidity, mayroon po akong heart pacemaker, at binigyan ako ng notice na eligible ako sa AstraZeneca. Ini-schedule ako ng April 10, maayos `yong proseso,” sabi ni Drilon.

SM food to go Banner Ad

Wala naman umano siyang naramdaman na side effect matapos mabakunahan sabay apela sa publiko na magpaturok na rin para iwas hawa sa COVID-19.

“Dapat magpabakuna po sila kung anoman ang available. Ang risk na may side effect far outweighs the risk na baka madisgrasya tayo dahil sa pandemya,” dagdag ni Drilon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.