Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Drilon binutata ng Palasyo sa Comelec exec

0 172

Sinagot ng Malacañang ang panawagan ni Senador Franklin Drilon na dapat magbitiw sa puwesto si Commission on Elections (Comelec) Commissioner Aimee Neri dahil sa alegasyong sangkot umano ito sa case fixing sa Korte Suprema.

Sinabi ni acting Presidential Spokesperson Martin Andanar na may kapangyarihan ang Pangulo sa pagtatalaga kay Neri at dumaan sa vetting process ang appointment nito.

“The Commissioner is the personal choice of the President, having served as the President’s lawyer in the genders office in Davao,” dagdag ni Andanar.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ginawa ni Andanar ang pahayag matapos igiit ni Drilon na dapat magbitiw si Neri sa kanyang bagong puwesto dahil sa pagkakasangkot umano nito sa pag-areglo sa isang robbery case sa Korte Suprema.

Nagpahayag naman ng kahandaan si Neri na humarap sa anomang imbestigasyon para sagutin ang alegasyong ibinato sa kanya ng senador.(Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.