Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Drilon kumbinsidong tatakbo si Robredo

0 67

Naniniwala si Senate Minority Leader Franklin Drilon na idedeklara ni Vice President Leni Robredo ang desisyon nitong kumandidato sa pagka-pangulo ng bansa para sa 2022 elections bago matapos ang deadline sa paghahain ng certificate of candidacy (COC) sa Oktubre 8.

Ayon kay Drilon, hindi tatalikod sa kanyang obligasyon ang Bise Presidente at lalong hindi umano ito aatras sa hamon na tanggapin ang nominasyon ng 1Sambayan coalition bilang kandidato ng oposisyon para sa nalalapit na halalan.

Nauna nang sinabi ni Robredo na hindi pa siya nakakapagpasya ngayon dahil nais niyang buuin ang united opposition na sasagupa sa magiging manok ng administrasyong Duterte sa 2022.

SM food to go Banner Ad

“I join the 1Sambayan and the Filipino people in hoping that Vice President Robredo will throw her hat in the presidential ring,” ayon naman kay Drilon.

Umaasa aniya siya na hindi bibiguin ni Robredo ang panawagan ng mga tao ba tumakbo siya sa pinakamataas na posisyon sa pamahalaan.(Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.