Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Drilon: Pagkain, trabaho unahin di Cha-Cha

0 452

Mariing tinutulan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang panukala ng mga mayor na ireporma ang Konstitusyon para mapalakas ang local government units sa bansa.

Ayon kay Drilon, pagkain at trabaho ang kailangan ng taumbayan at hindi pagsayaw ng charter change o chacha.

“Alam mo, ang kailangan natin ngayon ay pagkain hindi sayaw; hindi Cha-cha ang kailangan natin. Yung walang hanap-buhay ang malaking problema. Kaya dapat i-lockdown na ang Cha-cha na ito dahil masyadong divisive,” pahayag ni Drilon sa panayam sa DZBB.

“Sa ngayon, ang kailangan ay unity dahil ang laki ng problema ng ating bansa. Pero ano ang ginagawa? Binubuhay na naman itong Cha-cha. Dapat i-quarantine na itong Cha-cha,” dagdag pa nito.

Ginawa ni Drilon ang pahayag bilang pagkastigo nito sa dahilan ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) sa pagsusulong ng Chacha na nakapaloob sa panukalang isinumite nila sa Department of the Interior and Local Government (DILG). (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.