Abante Tonite Interactive

Drilon sa Kamara: Budget deliberation, ituloy

By
242

Nanawagan si Senate Minority Leader Franklin M. Drilon sa mga kongresista na ipagpatuloy ang budget deliberations nito sa Kamara para maiwasan ang reenacted budget sa bansa.

“A reenacted budget is bad for the country and will reflect badly on the President as it will make him appear weak,” sabi ni Drilon.

Aniya, oras na ma-implement ang reenacted budget ay maa­apektuhan nito ang Bangsamoro Organic Law dahil hindi ito mabibigyan aniya ng karagdagang budget tulad ng block grant na hinihingi na 70 bilyon.

Ang plano aniya ng Kamara na maibalik ang panukalang 2019 national budget ay hindi pa nangyayari noon at malabo aniya na mangyari ito.
Kaya naman hinihimok ng senador ang House of Representatives na ipagpatuloy ang pagdinig ukol dito.