Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Drilon sa pagkamatay ni Jaybee Sebastian: Baka gumagala lang ‘yan sa Metro

0 444

Kaduda-duda at nakakatakot diumano ang kawalan ng anumang detalyadong impormasyon sa pagkamatay ng high profile inmate na si Jaybee Sebastian, ayon kay Senador Franklin Drilon, at maaring buhay ito at kasalukuyang gumagala lang sa Metro Manila.

“Unang-una, natatakot ako rito. Hindi mo alam kung ano ang nangyayari,” pahayag ng Senate Minority Leader sa panayam sa GMA News.

“Given the history of BuCor (Bureau of Corrections), talagang nakakatakot ito. Paano mo malalaman kung itong si Sebastian (ay buhay or patay)?” tanong nito.

Nauna nang naiulat na namatay na si Sebastian, pangunahing testigo sa illegal drug case laban kay Senadora Leila de Lima, dahil sa COVID-19.

Subalit tumanggi si BuCor chief Gerald Bantag na ibunyag ang anumang impormasyon tungkol sa pagkamatay ni Sebastian at giniit na sakop ito ng Data Privacy Act.

Bulalas naman ni Drilon, hindi kasama ang pagkamatay sa mga personal na impormasyon ng isang tao na hindi puwedeng ilabas batay sa Data Privacy Act.

“Itong death, hindi kasama iyan sa sinasabing sensitive personal information na hindi pwedeng i-release. In fact kailangan mo nga ng death certificate, a public document,” ani Drilon.

“Kaya nagiging suspicious kasi hindi natin alam kung ano ang nangyari,” wika pa nito.

Bilang person deprived of liberty, ang right to privacy ni Sebastian ay suspendido, sabi ni Drilon.

“Remember na nang siya ay namatay, limited yung right to privacy niya kasi nakakulong na siya. Kasi kung may privacy rights ka kailangan ng search warrant sa mga kubol,” ani Drilon.

“Habang nakabilanggo, ang prinsipyo, some of your civil and political rights are deemed suspended,” paliwanag pa nito. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.