Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Drilon, Sotto sabong sa 2 Pharmally exec

0 96

Iginiit ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na makakalabas lamang mula sa Pasay City Jail ang dalawang opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation kapag nag-adjourn ang kasalukuyang Kongreso.

Ginawa ni Drilon ang opinyon taliwas sa naunang pahayag ni Senate President Vicente Sotto III na palalayain ang dalawang opisyal ng Pharmally sa Hunyo 3, ang araw na mag-a-adjourn sine die ang Senado at Kamara.

Paliwanag ni Drilon, ang kapangyarihan ng Senado para ikulong ang dalawang opisyal ng Pharmally dahil sa contempt ay mapapaso kapag nag-adjourn ang 18th Congress sa Hunyo 30.

Aniya, ang Hunyo 3 ay sine die adjournment lang ng ikatlong regular na session at hindi mismo ng 18th Congress.

SM food to go Banner Ad

Nakakulong sa Pasay City Jail mula pa noong Nobyembre 2021 ang dalawang opisyal ng Pharmally na sina Mohit Dargani, treasurer, at Linconn Ong, director.

Pinatawan din ng contempt charges ang kapatid ni Mohit na si Twinkle, presidente ng Pharmally, subalit ngayon ay nasa ilalim ito ng house arrest matapos magpositibo sa COVID-19.

Ipinakulong ng Senate Blue Ribbon Committee ang dalawang opisyal ng Pharmally matapos tumangging isumite ang mga dokumentong may kinalaman sa P10 bilyong kontratang pinasok ng Department of Budget and Management-Procurement Service para sa mga medical supply na gagamitin ng gobyerno laban sa COVID pandemya. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.