Abante Tonite Interactive

Drilon supalpal kay Sotto

By
9

Sinopla ni Senate Majority Leader Vicente ‘Tito’ Sotto ang deklaras­yon ni Senator Franklin Drilon na dead na ang panukalang death penalty sa Senado.

Ikinagulat ni Sotto kung ano ang naging batayan ni Drilon para sabihing patay o imposible nang makapasa sa Senado ang panukala gayong hindi pa nagsimula ang debate ukol dito.

“Hindi pa kami nagde-debate diyan, paano niya nasabi ‘yun,” ayon pa kay Sotto.

Ayon sa senador, mala­mang sa buwan pa ng Oktubre o Nobyembre­ maaari nilang simulan ang debate ukol sa ­panukala.

Aminado si Sotto, sa ngayon ay maaaring sasabihing nakakalamang ang bilang ng tutol sa panukala ngunit oras na simulan na ang debate partikular ang krimeng saklaw dito ay nakakasi­guro umano siyang marami ang susuporta.

Tinukoy ni Sotto ang high level drug trafficking or manufacturing na isa umano sa itutulak niya na pangunahing krimeng saklaw ng death penalty.