Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Drilon tinawag na ipokrito sa anti-dynasty

0 287

Binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA) si Senador Franklin Drilon dahil sa pag-uugnay sa anti-dynasty system sa isyu ng oligarkiya na ang target ay ang kanyang mga anak na pawang mga halal na opisyal ng bayan.

Sa simula pa lamang ng kanyang talumpati ay binatikos ng Pangulo ang senador na aniya ay pamumulitika ang inaatupag habang abala at nakatutok ang gobyerno sa paglaban sa COVID-19 pandemic.

“He arrogantly mentioned among others that oligarchs need not be rich. Then he linked the anti-dynasty system with oligarchy and the topic was my daughter and son. This happened after the committee on franchise deny the grant of franchise to ABS-CBN,” anang Pangulo.

Bago matapos ang kanyang talumpati, binalikan ng Pangulo si Drilon na aniya ay isang ipokrito.

“Sinasabi mo na dynasty-dynasty, you are a hypocrite! You know that you cannot pass an anti-dynasty law. Ikaw nandiyan sa Kongreso `di ikaw ang mauna dito. But you know to credit against me for protecting my country is something which I really resent,” dagdag ng Pangulo.

Ayon sa Pangulo, batid ni Drilon na hindi niya kayang maipasa ang anti-dynasty law dahil marami sa mga nakaupong mambabatas ay ipinapasa lang sa miyembro ng kanilang pamilya ang puwesto para hindi mapunta sa iba.

Hinamon pa nito ang senador na pangunahan ang pagbalangkas ng anti-dynasty bill at ihain ito sa Kongreso para matigil ang sinasabi nitong sistema ng mga politikong nagpapalit-palit at nagpapasahan lamang ng puwesto sa gobyerno.(Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.