Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Drive-thru, home delivery sa pagbakuna

0 259

Hinikayat ni Senador Joel Villanueva ang gobyerno na paramihin pa ang mga vaccination site tulad ng ginagawa ng iba’t ibang local government unit upang maabot ang mas maraming mamamayan at magamit agad ang mga bakunang malapit nang mag-expire.

Ayon kay Villanueva, kung kaya ng ibang lokal na pamahalaan sa Metro Manila na magsagawa ng “drive-thru, home delivery” at ipaubaya sa mga village ang pagbabakuna, maaari rin itong gawin ng gobyerno ng mas malawakan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“At kung idadagdag natin ang pagbabakuna sa mga opisina, pabrika at iba pang lugar ng trabaho, mapapataas natin ang ating vaccination rate. Mas maraming paraan, mas mainam para sa lahat,” sabi ni Villanueva, chairperson ng Senate committee on labor. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.