Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Driver binoga, katabing bata sapul

0 248

Sapol ang ulo ng isang driver na tumagos ang bala at nadaplisan ang leeg ng katabing 12-anyos na batang lalaki sa insidente ng pamamaril kamakalawa ng umaga sa Brgy. San Alejandro, Quezon Nueva Ecija.

Sa ulat sa tanggapan ni Police Colonel Marvin Joe Saro, OIC provincial director, nakilala ang nasawi na si Ernel Alejo Baril, 48, driver, ng Brgy. Alejandro, Quezon habang ang batang nasugatan ay kinilala lang sa alyas Noel.

Alas-8:30 ng umaga, nasa driver’s seat na ng minamanehong XLT si Baril at inaantabayan ang ilang sasakay nang biglang sumulpot ang riding-in-tandem criminals.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Agarang pinutukan ang biktima at saka mabilis tumakas ang mga salarin.

Agaw-buhay namang nadala si Baril sa Sto. Domingo District Hospital subali’t nadeklarang dead on arrival habang ang sugatang bata ay naisugod sa PJG hospital sa Cabanatuan City.

Inaalam pa ang motibo at pagkakakilanlan sa mga salarin. (Jojo De Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.