Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Driver dedo habang nagkakabit ng wiring

0 64

Namatay ang 33-anyos na driver mata­pos ang ilang araw na pagkaka-confine sa ospital makaraang makuryente habang nag-iinstall ng internet post sa Barangay Bagong Silangan, Quezon City nitong Huwebes.

Ang biktima ay nakilalang si Sandy Cuntapay Lorin Jr., 33, may asawa, driver, tubong Tuguegarao, Cagayan, at residente ng E. Quintos St., Sampaloc, Manila.

Sa report ng Payatas Bagong Silangan Police Station (PS-13) ng Quezon City Police District (QCPD), kahapon ng madaling-araw ay nag-report si Armie Padrerogaya-Lorin upang maimbesti­gahan ang naganap na pagkamatay sa kuryente ng biktima.

Ayon sa imbestigador na si P/Cpl. Dexter Espino Jr. ng PS-13, naganap ang insidente bandang ala-una, Agosto 30 ng madaling-araw sa Sitio Veterans, Barangay Bagong Silangan.

Batay sa salaysay ni Dennis Root, kasamahan ni Lorin sa MARSTEL Com­pany, nag-iinstall sila ng internet post para maging pundasyon ng internet cables sa lugar.

Pero nang baluktutin ni Lorin ang poste ay aksidenteng natamaan nito ang high tension ng Meralco electric wires na sumabog at nakuryente ang biktima.

Naisugod pa sa Quirino Memorial Medical Center ang driver subalit binawi­an din ng buhay, bandang alas-kuwatro kamakalawa ng madaling-araw. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.